Nasa ibaba ang mga ehemplo para sa pagsasalita, pagsulat at pagbasa ng mga pagsusulit sa paaralang pang gitna at mas mataas na mga antas.
Makukuha ang mga pagsubok sa pagsasanay sa pamamagitan ng paggamit ng mga sumusunod na kawing: AVANT
Ikaw ay kumukuha ng Klase sa potograpiya para sa mga kabataan sa tag-araw na programa sa lungsod. Nagsimulang kausapin ka ng isang estudyante sa tabi mo.
"Kamusta, ako si Sonia at nasa ika-11 baitang ako sa Riverview High School. Ito ay isang maliit na paaralan na may humigit-kumulang 500 estudyante. May mga aktibidad kami kasunod ng pag-aaral sa eskwela, pero hindi potograpiya. Ano ang iyong paaralan? Gaano ito kalaki at sino ang mga mag-aaral? Anong uri ng mga aktibidad mayroon ito? Maaari mo bang ilarawan ang lokasyon? Gusto ko talagang marinig lahat ng detalye tungkol sa eskwela mo."
Sa mga paaralang Amerikano, ang mga mag-aaral ay may maraming takdang-aralin at proyekto. Katatapos ko lang ng isang proyekto sa Kasaysayan kasama ang dalawa pang estudyante. Ito ay mahirap. Sabihin sa akin ang tungkol sa isang proyekto na kailangan mong gawin para sa isang klase. Siguraduhing isama ang impormasyon tungkol sa klase at paksa kung saan mo ginawa ang proyekto, ang mga hamon, o kahirapan, kung paano ka tinulungan ng guro at kung ano ang iyong natutunan sa paggawa ng proyekto.
Kapag nagsimula ka ng isang bagong paaralan, ito ay isang pagkakataon upang magkaroon ng mga bagong kaibigan. Anong uri ng mga tanong ang itatanong mo upang makilala ang isang tao at matuto pa tungkol sa kanila? Sumulat ng hindi bababa sa 3 o 4 na tanong na maaari mong itanong sa isang tao.
(Maaari kang magtanong tungkol sa kanilang pamilya, kung ano ang gusto nilang gawin, kung anong mga klase ang gusto nila, kung anong uri ng mga aktibidad ang ginagawa nila pagkatapos mag-aral, o anumang bagay na gusto mong malaman).
Ano sa tingin mo ang magiging mabuting kaibigan? Ano ang mahalaga sa isang pagkakaibigan? Magkwento tungkol sa isang pagkakataon kung kailan naging mabuting kaibigan ka sa isang tao, o isang taong naging mabuting kaibigan sa iyo. Ilarawan ng detalyado ang tungkol sa pagkakaibigan, kung ano ang nangyari, kung ano ang iyong ginawa upang maging isang mabuting kaibigan, o kung paano nakatulong sa iyo ang mabuting kaibigan.
Basahin mo ang sumusunod na artikulo sa lingguhang papel ng kapitbahayan.
Ang Mga Gantimpala ng Masipag
Ito ay Hulyo at ang mga paaralan ay sarado para sa bakasyon sa tag-init. Pero sa Kofi Annan Elementary School, parang lahat ng estudyante sa ika tatlo at apat na baitang ay nakalimutan ang bakasyon sa tag-araw. Masipag sa trabaho ang mga estudyante at kanilang mga guro. Gamit ang mga pala, kuwaderno, panulat at kahon ay tinatapos nila ang isang proyektong pang-agham na sinimulan ng mga mag-aaral noong tagsibol. Ang bawat baitang ay nagtanim ng mga buto ng karot, mais, at gisantes at ilang maliliit na halaman ng kamatis.
Ang kanilang mga gulay ay lumago sa panahon ng tagsibol at tag-araw at ngayon ay handa nang mamitas. Ang mga mag-aaral ay nagtala tungkol sa laki at bilang ng mga gulay na tumubo. Pagkatapos ay hinugasan nila ang mga ito at inayos sa mga kahon. Ang mga kahon ng mga gulay ay para sa istante ng pagkain sa kapitbahayan ngunit lahat ng mga estudyante ay gustong matikman muna ang mga ito. Ang mga guro ay abala sa pagputol ng maliit na piraso ng karot para sa mga mag-aaral na nais ng higit pa. Ang tunog mula sa hardin ng paaralan ay nagpakita na ang proyektong pang-agham ay mangyayari muli sa susunod na taon. Natuto ang mga mag-aaral tungkol sa paghahalaman, pagbabahagi ng pagkain sa iba at tangkilikin ang mga gulay. Sana ay matuwa sila sa mga gulay sa hapunan at tanghalian sa paaralan gaya ng kanilang pagtangkilik sa mga gulay na kanilang itinanim.
Nakita mo ang artikulong ito onlayn.
A Quiet Hero ni M. Yang, local na tagapag balita para sa Mountain Press
Karamihan sa mga tao ay nakarinig ng mga kuwento tungkol sa mga pampublikong bayani na nakikita ng lahat, ang mga bumbero na nag-apula ng malaking apoy, ang mga nag liligtas ng taong nalulunod, ang taong nagligtas ng isang buhay o pumipigil sa isang malubhang pinsala. Ang lahat ng mga kapitbahayan sa ating mga lungsod ay mapalad na magkaroon ng mga bayaning ito at parangalan sila ayon sa nararapat.
Ang mga kapitbahayan ay mayroon ding maraming tahimik na bayani, kabilang sa kanila, si Ari Sims, isang lokal na residente. Sa loob ng maraming taon, napanatili ni Ari na malinis ang kanyang kalye at Logan Park, nagtanim ng mga bulaklak sa sulok, at tahimik na nagsikap na panatilihing malinis at ligtas ang palaruan. Sa kanyang pang-araw-araw na paglalakad sa umaga, makikita siyang namumulot ng mga basura at inilalagay sa isa sa mga lalagyan ng basura. Karamihan sa mga tao ay hindi nag isip ng mga lalagyan ng basura bilang kasangkapan o gamit ng isang bayani, ngunit sa loob ng maraming taon, ang Logan Park ay walang sapat na mga lalagyan ng basura. Ang tanging basurahan ay masyadong maliit para sa mga piknik ng pamilya ng lahat ng mga bisita sa parke.Dahil dito, nilalagay ng mga tao ang kanilang mga basura sa ilalim ng mga puno o iniiwan lang ito kahit saan, o ang ilan ay nag-uuwi ng kanilang basura. Matapos kolektahin ang basura sa isang malaking supot noong simula ng tag-araw, humiling si Ari sa mga tagapamahala ng lungsod ng higit pang mga lalagyan.
Ang mga rekord ng lungsod ay nagpakita na ang parke ay may sampung bagong lalagyan ng basura ngunit nang suriin, nalaman na nagkamali at hindi na ihatid ang mga lalagyan. Nang sumunod na linggo ay nakakita ng mga lata na nilagay sa parke, na ikinagulat ng mga bisita. Tumakbo ang mga bata para gamitin ang matingkad na berdeng basurahan at mga lalagyan ng resiklo.
Nang itampok sa balita sa gabi ang kwento ng mga basurahan, ayaw lumabas ni Ari sa telebisyon ngunit pumayag siyang kausapin ako para sa kuwentong ito. Nalaman ko na noong nakaraang linggo, sinimulan ng mga kapitbahay ang pagsisikap na palitan ang kagamitan sa palaruan ng mas bago, mas ligtas, at mas kawili-wiling kagamitan. Nakipag-ugnayan sila sa mga negosyo ng lungsod at kapitbahayan upang humingi ng mga donasyon. Biglang nagkaroon ng interes sa parke. Ang tahimik na pagsisikap ni Ari sa paglilinis ng basura ay nagresulta sa mga kapitbahay na gustong pahusayin ang karanasan para sa mga pamilya, bata, at lahat ng bisita sa parke. Nagsimula ang lahat sa basurahan.